Nakatira
kami sa isang exclusive subdivision sa parteng norte ng Metro Manila.
Kahit exclusive ang subdivision namin ay di naman ganoon kayaman ang mga
nakatira dito. May kalumaan na rin ang subdivision namin pero marami pa
ring bakanteng lote. Ang mga lote sa harapan, likuran at tagiliran ng
aming bahay ay puro bakante pa. Iilan lamang ang mga bahay kalyeng
kintatayuan ng bahay namin. Ako na lamang ang nakatira sa aming bahay
kasama ko ang yayang nag-alaga sa akin simula ng bata pa ako na si
Manang at asawa nitong si Manong. Nasa US na ang aking nakatatandang
kapatid at ang aking mga magulang. Ganoon lagi ang senaryo sa aming
kapaligiran kapag umuuwi ako ng bahay, tahimik at halos wala kang
makitang taong gumagala sa kalsada. Tinatapos ko na lang ang kurso ko
bilang doctor bago ako sumunod sa US.
Subalit nagbago ang
lahat ng biglang may nagpatayo ng bahay sa bakanteng lote sa tabi ng
bahay namin. Syempre noong una ay inis na inis ako dahil sa ingay ng mga
trabahador na sinasabayan pa ng mga pupukan at ingay ng motor ng
equipment na naghahalo ng semento. Grabe talaga. Parang ayaw ko ng umuwi
at matulog sa bahay namin. Gabi kasi ang klase ko kaya halos buong araw
ay tulog ako kapag wala akong duty sa hospital.
Nang
minsang nagising ako sa lakas ng kalabog ng nadinig ko kahit naka-aircon
ako at sarado ang mga bintana ng silid ko ay galit na galit akong
sumugod sa ginagawang bahay. Magbubunganga na sana ako ng mapansin ko na
may nadisgrasya palang trabahador dahil bumagsak ang tinutuntungan nito
habang naglalagay ng mga alambre sa mga nakatayong bakal. Medyo duguan
ito kaya syempre dahil medical student ako ay ako na mismo ang nagbigay
ng first aid sa naaksidente. Mabuti na lamang at sugat lamang sa mga
braso ang natamo niya at tila wala naman bale sa katawan dahil nakatayo
at nakapaglakad siya muli ng matapos kong bigyan ng first aid.
Noon
ko nakilala ang engineer ng construction na si Rommel at ang ilang
trabahador nito. Noon ko rin naisabi ang aking mga reklamo sa ingay na
dulot ng construction. Humingi naman ng paumanhin si Rommel at nangakong
pipilitin nilang magtrabaho ng hindi makakaistorbo sa akin. Sa gabi din
daw ay titiyakin ni Rommel na di mag-iingay ang kanyang mga trabahador
dahil stay-in na rin siya doon sa construction. Nagpasalamat din sila sa
akin sa ginawa kong first aid sa isang trabahador. Di na ako nagtagal
doon at bumalik na ako sa bahay upang ituloy ang naudlot kong pagtulog.
Pagbalik
ko sa aking higaan ay di na ako dalawin ng antok. Parang di ko
makalimutan ang pagiging gentleman ni Rommel. Gwapo si Rommel at
magaling pang makipag-usap. Lagi sumasagi sa aking isipan ang paghingi
niya ng paumanhin sa akin. Di ko na tuloy ipinagpatuloy ang pagtulog ko
sa halip ay kumain na lamang ako. Matapos kumain ay nakinig ako ng
musika at ng magsawa naman ako ay nanood ako ng mga dvd movies. Di ko na
namalayan ang oras nang biglang magtanong si Manang kung ano ang gusto
kong meryenda. Mag-aalaskwatro na pala ng hapon. Nagpahanda ako ng juice
at sandwich at pinaakyat ko sa aking silid dahil magsisimula na rin
akong mag-aral ng aking lesson.
Pagpanhik ko sa aking
silid ay di ko na naririnig ang dating ingay ng construction. Di na
tuloy ako nag-aircon at binuksan ko na lamang ang lahat ng mga bintana.
Busy pa rin sa kanilang trabaho ang mga tao sa construction ng dumungaw
ako sa bintana. Sinimulan ko ang pagbabasa ng aking aklat. Makalipas ang
isang oras ay nakarinig ako ng mahinang tawanan at pagbuhos ng tubig.
Tumigil ako sa aking pagbabasa at sumilip muli sa bintana at hinanap ng
aking mga mata ang pinagmumulan ng ingay. Noon ko nakita si Rommel at
ang ilan niyang tauhan na naliligo sa isang sulok kung saan naroroon ang
ilang drum ng tubig.
Nakatakaw pansin sa akin silang
lahat dahil pawang naka-brief lamang sila. Si Rommel pa ay nakabikini
brief lamang na parang maliit na sa kanya. Kaya naman hapit na hapit sa
kanyang harapan at halatang halata ang kanyang alaga. Ang mga kasamahan
naman niyang naliligo din ay merong de color na brief, may luma at
manipis na at may maluluwag na ang garter. Halos mahubuan na nga ang
ilan sa kanila. Subalit balewala pa rin ito sa kanila at tuwang tuwa pa
sila sa kanilang paliligo.
Napansin pala ako ni Rommel na
nakadungaw sa bintana kaya naman tinawag niya ang pangalan ko. Di ako
nagpahalata ng matagal ko na silang pinagmamasdan at biniro ko na lang
sila na ang sarap yata ng tubig na pinanliligo nila. Kahit nakabrief pa
rin si Rommel ay lumapit siya sa tapat na aking bintana at lalo ko
namang napansin ang matipuno nitong katawan at ang malaking nakabukol sa
kanyang harapan. Dahil sa liit ng bikini brief niya ay lumuluwa na ang
ilang buhok sa taas ng kanyang brief. Nagpaumanhin muli si Rommel sa
akin. Baka daw kasi naiingayan muli ako sa kanilang tawanan habang
naliligo.
“Okey lang yun” ang naging tugon ko kay Rommel at nagbalik muli ako sa study table ko upang tapusin ang aking binabasa.
Matapos
naming mag-usap ni Rommel ay hindi na ako nakapag-concentrate sa aking
binabasa. Naging laman na naman ng aking isipan si Rommel at ang kanyang
itsura habang naliligo. Ewan ko ba pero may kakaibang sensation akong
nararamdam tuwing maalala ko ang ayos na iyon ni Rommel. Maganda ang
katawan. Mukhang may malaking kargada at may matambok na puwet at higit
sa lahat lalakeng lalake siyang pagmasdan. Sa halip na ituloy ko ang
pagbabasa ay gumayak na lamang ako upang pumasok sa panggabi kong klase.
Matapos
ang klase ko ay nagduty naman ako sa hospital. Ganoon pa rin ako na
parang wala sa sarili sa bawat gawin ko. Mabuti na lamang at wala
gaanong pasyente sa hospital simula hating-gabi hanggang sa umuwi ako
kinabukasan. As usual, pagdating ko sa bahay ay kumain lang ako ng
kaunti, naligo at natulog na. Kahit na siguro maingay sa construction
site ay di ko na naramdaman kasi halos magdidilim na ng magising ako.
Ipinaghanda ako ni Manang ng dinner at ng matapos ako kumain ay
nagpahangin ako sa labas. Sabado noon kaya wala akong klase o duty sa
hospital.
Lumabas ako ng gate at nagsimulang humakbang
papalayo sa aming bahay. Nang tumapat ako sa ginagawang bahay ay binati
ako ni Rommel na di ko napansin na nakaupo pala sa kabilang sidewalk at
nakatanaw sa kanyang ginagawang bahay. Nakashorts at naksando lamang
siya habang naninigarilyong nag-iisa.
“Saan ka pupunta?” ang tanong niya sa akin.
“Wala
lang. Naglalakad-lakad lamang ako upang magpahangin. Kagigising ko lang
kasi at wala naman akong magawa sa bahay” ang sagot ko naman sa kanya.
“Kung gusto mo ay sasamahan kita” ang paanyaya naman ni Rommel.
“Walang problema sa akin. Mabuti nga iyon at may kasama ako sa paglalakad” ang tugon ko naman sa kanya.
Nagsimula
naming tahakin ang daan patungo sa park ng subdivision. Nagsimula rin
akong magtanong-tanong kay Rommel ng mga bagay-bagay sa kanyang buhay.
Di naman siya nahiya na ilahad sa akin ang ilang detalye sa kanyang
buhay. Sa isang probinsya sa norte siya galing. Nang matapos ng
engineering ay lumuwas siya ng Maynila upang magtrabaho upang makatulong
sa kanyang pamilya. Apat silang magkakapatid at siya ang panganay.
Pinilit siyang pinagtapos ng kanyang magulang na parehong magsasaka
lamang. Nang makatapos siya ay tumulong naman siyang pag-aralin ang mga
nakababatang kapatid. Dalawang babae ang sumunod sa kanya na parehong
pinakuha niya ng kusong nurse sa pangarap niya na sila ang
makakapagpatawid sa kanilang kahirapan kapag nakapag-abroad ang mga ito.
Subalit di pa man natatapos ng kursong nursing ay nagsipag-asawa
kaagad. Ang masakit pa doon ay wala ring tinapos na kurso ang mga naging
asawa ng dalawa. Ang bunso naman nila ay lalaki. Pero di pa man
nakakatungtong ng kolehiyo ay namatay naman. Tanging mga magulang na
lamang niya ang kanyang sinusustentuhan para hindi na sila magsaka.
Nasa
late twenties na si Rommel at halos siyam na taon na siya sa Maynila na
nagtatrabaho. Dati nangungupahan siya ng kwarto pero ng mapasok siya sa
kumpanya niya sa kasalukuyan ay sa mismong project site na rin siya
nakikituluyan para makatipid siya tutal halos linggo-linggo ay umuuwi
naman siya sa probinsya nila. Noong Sabadong iyon lamang ang di niya
pag-uwi dahil sa nagpunta naman ang kanyang mga magulang sa kanyang
babaeng kapatid sa kalapit na probinsya at mananatili muna sila doon ng
ilang linggo dahil kapapanganak lamang ng kanyang kapatid.
Di
naman siya nag-usisa ng detalye ng aking buhay pero ipinaalam ko pa rin
ang ilan para naman makilala din niya ako kahit papaano. Kahit medyo
madrama ang kwento niya sa akin ay maaliwalas pa rin ang kanyang mukha
habang nagkwekwento. Umupo pa kami sa isang concrete bench sa park at ng
may dumaang balot ay inalok niya ako nito. Di ko nakagawiang magdala ng
wallet kung doon lamang ako sa loob ng subdivision namamasyal kaya
syempre siya ang nagbayad. Sa kinalaunan ng aming kwentuhan ay
nagkapalagayan kami ng loob.
Siguro akala niya na close na
kami talaga ay bigla na lamang siyang umakbay sa akin at nagdikit
talaga ang aming mga tagiliran. Para akong nakuryente ng gawin niya iyon
kaya tinulak ko siya papalayo sa akin.
“Oh, bakit naman?” ang bigla niyang naitanong sa akin.
“Baka mapagkamalan tayo sa ginagawa mo” ang sagot ko naman sa kanya.
“Pareho naman tayong lalaki kaya wag mong masamain ang pag-akbay ko sa iyo” ang paliwanag ni Rommel.
“Basta, di ako sanay ng may nakaakbay sa akin” ang sagot ko naman sa kanya.
“Kahit kaibigan mo bang lalaki di ka inaakbayan?” ang pag-usisa niyang muli sa akin.
“Inaakbayan
naman. Kaya lang….” di ko na naituloy ang sinasabi ko ng bigla na naman
niya akong inakbayan ng mahigpit na parang niyayakap na niya ako.
Di
na ako nanlaban sa kanya at pinabayaan ko na lamang siyang nakaakbay sa
akin. Bigla na naman siyang nagtanong na “Nakita mo ba ang gusto mong
makita ng dumungaw ka sa bintana ng silid mo at natanaw mo kaming
naliligo.”
“Ah….eh…. wala napadungaw lang ako noon. At sandali lang iyon” ang naisagot ko lamang kay Rommel.
“Ah
ganoon ba. Baka kasi meron, eh, walang kaso sa akin iyon” ang biglang
nasabi ni Rommel. Di na ako muling nakasagot kay Rommel. Pero muli
niyang inulit na “Walang problema sa akin iyon.” Sabay kuha ng isa kong
kamay at ipinatong niya sa kanyang harapan.
Nagulat ako ng
gawin niya iyon. Subalit para akong naging sunud-sunuran na lamang sa
kanya sa mga oras na iyon. Habang ikinikiskis niya ang aking palad sa
kanyang harapan ay naramdaman ko na unti-unting nabubuhay ang kanyang
alaga.
“Dito ka nakatitig kahapon, di ba?” ang tanong na naman niya sa akin na hindi ko pa rin sinagot.
“Baka
kinakabahan ka dito sa pwesto natin dahil medyo maliwanag. Tara doon sa
banda roon at walang makakapansin sa atin” ang bulong sa akin ni
Rommel.
Tumayo kami at tinungo nga namin ang lugar na
itinuro ni Rommel. Walang upuan doon pero may pader at may malalagong
halaman. Pagsandal ni Rommel sa pader ay hinatak niya ako at niyakap
sabay halik sa aking mga labi. First time ko makipaghalikan sa kapwa
lalaki pero nagustuhan ko ang ginawa ni Rommel sa akin. Habang
naghahalikan kami ay ipinasok ko naman ang aking kamay sa loob ng
kanyang shorts at naramdaman ko na mukhang masikip na naman ang suot
niya brief dahil medyo naiipit ang kamay ko ng garter nito.
Natigilan
si Rommel sa paghalik sa akin at natawa “Pasensya ka na at mahilig ako
sa masisikip na brief. Para kasing wala akong brief kapag di ito hapit
sa aking alaga at bayag. Ha ha ha…”
Napatawa na rin ako sa kanya sabay sabing “Baka kung anong mangyari dyan kapag di nakakadaloy ng husto ang dugo.”
Magtatawanan
pa sana kami ng malakas ng mapansin namin ang isang guard na papasok sa
gate ng park. Kami lang ni Rommel ang tao doon sa mga oras na iyon kaya
tiyak magdududa iyon kung makikita niya kami sa dilim. Kaya naman
dali-dali kaming umupo sa pinakamalapit na upuan habang sa iba nakamasid
ang guard.
“May tao pa pala dito” ang nasabi ng guard ng mapansin niya kami.
“Boss chief, nagpapahangin lang kami dito. Ila-lock na ba ninyo ang gate?” ang tanong ko naman sa guard.
“Opo, sir. 11PM na rin po kasi” ang tugon naman ng guard.
“Sige, boss, lalabas na lang kami” ang sabi ko naman sa guard.
Naglakad
kami muli papauwi at nang nasa tapat na kami ng aming bahay ay bigla na
naman bumulong si Rommel na “Nabitin ako kanina. Walang hiyang guard
iyon. Wrong timing pa.”
“Ha ha ha. . . ang libog mo pala” ang biro ko kay Rommel.
“Tara sa loob ng walang istorbo” ang pahabol kong sinabi.
Pinagbuksan kami ni Manong ng gate at dumeresto na kami sa kwarto ko.
“Sandali lang at maliligo pa ako. Di pa ako nakaligo mula ng magising ako kanina” ang paalam ko kay Rommel.
“Di na kita sasabayan sa paligo kasi kaliligo ka rin lang ng makita mo ako kanina” ang tugon naman ni Rommel.
Paglabas
ko ng banyo ay nakahiga na si Rommel sa kama at ang kalahati ng katawan
ay nasa loob na ng kumot. Mukhang wala na siyang natitirang saplot
dahil napansin ko ang kanyang mga damit sa isang upuan. Pinunasan ko
hanggang medyo matuyo ang aking buhok bago ako tumabi kay Rommel. Humiga
na rin ako sa tabi niya na walang saplot ang katawan.
“First time ko ito Rommel kaya di ko alam ang gagawin” ang pauna ko kay Rommel.
“Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa iyo” ang sagot naman niya.
Muli
ay naglapat ang aming mga labi. Sumunod ang aming mga katawan at noon
ko naramdaman ang naghuhumindik na alaga ni Rommel na tila tumutusok din
sa aking alaga. Hindi ko talaga alam ang aking gagawin sa oras na iyon.
Subalit parang merong bumubulong sa akin na nagbibigay ng instructions
kung ano pa ang dapat gawin. Ilang sandali pa ay namalayan ko na lamang
ay subo-subo ko na ang tigas na tigas na alaga ni Rommel. Di rin
nagtagal at sumabog ang katas mula sa pinakabutas nito. Medyo nakatikim
ako ng kaunti pero kinuha ko ang ginamit kong twalya upang punasan ang
aking bibig at ang alaga ni Rommel.
“Okey ka lang ba?” ang naitanong sa aking ni Rommel.
“Halika dito at ikaw naman ang magpalabas” dugtong pa niya.
Di naman niya sinubo ang aking alaga sa halip ay sinalsal na lamang niya ito hanggang sa ako ay labasan na din.
“Tara magbanlaw tayo sa banyo” ang paanyaya ni Rommel.
Pumasok
kaming dalawa sa banyo at sinabon namin ang aming mga alaga. Muli ay
nahiga kaming magkatabi sa kami. Habang nagkwekwentuhan ay himas himas
ko ang alaga ni Rommel.
“Huwag ka mag-alala, sa iyo lang iyan simula ngayon” ang biro ni Rommel sa akin.
“Ha ha ha. . . patawa sya” ang naging tugon ko naman sa kanya.
Nakatulog
kaming hubo’t hubad kaya naman ng kumatok si Manang upang yayain na
akong mag-almusal ay para kaming si Superman sa bilis sa pagsuot muli ng
aming mga saplot. Pagkakain namin ng almusal ay nagpaalam na si Rommel
pero ibinigay muna niya sa aking ang kanyang cellphone number at ganoon
din naman ang ginawa ko sa kanya. Kinahapunan ay biglang nagtext si
Rommel na nagtatanong kung may lakad daw ako. Nang sabihin kong wala ay
nagyaya siyang manood ng sine dahil matagal na rin siyang hindi
nakakapanood. Dala ang aking kotse ay pumunta kami sa pinakamalapit na
mall. Noon ko tuluyang nakilala si Rommel na isang tunay na gentleman.
Para akong isang baldado na inaalalayan sa lahat ng aking kilos at
laging nagtatanong kung okey lang ako.
Sa loob ng sinehan
ay nagulat ako ng sabihin ni Rommel na “I love you.” Na ikinagulat ko
naman dahil talagang wala akong karanasan sa pakikipagrelasyon sa kapwa
lalaki. Sa babae ay nakailan na rin akong relasyon. Pero sa tulad ni
Rommel ay wala pa talaga at hindi ko rin naisip na meron din palang
ganitong relationship.
“Oh anong sagot mo, naghihintay ako” ang muling tanong ni Rommel na di ko alam kung ano ang isasagot.
“Ikaw talaga, matapos mo maangkin ang katawan ko ay ganyan ka na” ang biro ni Rommel.
“Ok, sige na nga, I love you na rin” ang bigla kong naisagot kay Rommel.
“Eh bakit merong na rin” ang dugtong naman ni Rommel.
“Ok, I love you lang” ang sagot ko muli sa kanya.
“Eh bakit may lang” ang biro muli ni Rommel.
“I love you Rommel” ang ibinulong ko sa kanya sabay halik sa kanyang mga labi.
Buti
na lang at kakaunti ang mga nanonood kasi medyo kinabahan ako baka may
nakakita sa paghalik ko kay Rommel. Wala naman siguro kasi malayo sa
aming upuan ang ibang nanonood. Nang matapos ang palabas ay naglibot pa
kami sa mall. Nang pumasok kami sa department store ay pinilit kong
bilhan ng mga bagong brief si Rommel. Kahit anong pagtanggi ni Rommel ay
pinilit ko pa rin siyang bilhan. Ipinilit nyang bilhin ang size na
gusto niya. Pero napilit ko rin siya ng medyo mas malaki doon. Natawa pa
sa amin ang sales lady ng pinilit kong ipasukat kay Rommel ang napili
kong size dahil ipinagpipilitan niyang maluwag iyon sa kanya. Lalo pang
natawa ang sales lady ng pinapasok ako ni Rommel sa fitting room upang
tignan kung okey na. Dahil naman binuksan niya ng husto ang pinto at
nakita tuloy siya ng sales lady ng tanging brief at t-shirt lamang ang
suot.
Pumasok ako sa loob at isinara ko ang pinto.
“Yan ang bagay sa iyo ng hindi maipit ang hindi dapat maipit” ang biro ko kay Rommel.
Umupo
ako upuan sa loob ng fitting room at nagmasid ako sa paligid kung may
camera. Nang matiyak kong wala ay hinatak ko si Rommel papalapit sa akin
habang hinuhubad niya ang sinusukat ng brief. Sabay subo sa kanyang
tulog na alaga.
“Wag dito” ang bulong ni Rommel sa akin.
“Sandali lang at trip ko lang” ang sagot ko naman sa kanya.
Sa
ilang segundo ko ring pagsubo sa ari ni Rommel ay tumigas iyon.
Pagkatigas nito ay bigla ko ring iniluwa Kaya naman ng isuot niya ay
luma niyang brief ay halos di magkasya na matakpan ang kanyang alaga.
“Ayan ang sinasabi ko sa iyo. Kaya dapat itong size ang ginagamit mo na” ang paliwanag ko kay Rommel.
“O sige panalo ka na” ang tila pagsuko sa aking ni Rommel.
Bago kami umuwi ay kumain muna kami ng dinner. Masaya muli ang aming naging kwentuhan.
“Bakit mo ba ako pinilit na palitan ang size ng brief ko?” ang tanong sa akin ni Rommel.
“Sobrang sikip kasi ng mga sinusuot mo at baka nasasaktan si manoy mo” ang tugon ko naman.
“Eh, mas comfortable ako kasi sa ganoon. Kapag maluwag ang suot ko ay parang wala rin akong suot” ang paliwanag naman ni Rommel.
“Actually,
kaya gusto kong medyo maluwag ang suot mo ay para madali kong maipasok
ang kamay ko” ang biro ko kay Rommel sabay tawa.
“Ah ganoon. Sabi ko naman, sa iyo lang ito” ang nasabi ni Rommel sabay kiliti sa aking tagilirinan.
Para
kaming mga teenager na naghaharutan sa restaurant kaya naman nakatawag
ito ng pansin ng iba pang kumakain sa restaurant. Bigla na lang kaming
napatahimik at pilit pinigil ang aming pagtawa. Tinapos na namin agad
ang aming pagkain at umuwi na kaming masayang-masaya.
Sa
bahay namin muli natulog si Rommel at tulad ng unang gabing natulog sa
kwarto ko si Rommel ay naulit mulit ang aming pagtatalik. Simula noon ay
doon ko na lang sa amin pinatira si Rommel. At para hindi naman
makahalata si Manag at si Manong ay pinaayos ko ang isang silid sa tabi
ng aking silid at sinabi ko na lamang sa kanila na uupahan muna ni
Rommel ang silid habang ginagawa ang bahay sa tabi namin. Ganoon din ang
paalam ni Rommel sa kanyang mga tauhan. Naging masaya ang aming
relasyon ni Rommel habang ginagawa ang bahay sa tabi namin. Subalit
isang umaga, pag-uwi ko sa bahay galing sa hospital ay naabutan kong
umiiyak si Manang. Nang aking tanungin ay sinabi niyang nanakawan daw
kami at yung kwarto nina Mama at Papa ang pinasok at tinangay ang mga
alahas sa isang tokador.
Ilang deacada na rin kami
nakatira sa subdivision na iyon at yun ang first time na mangyari sa
amin iyon. Kaya naman naghinala si Manong at Manang na si Rommel ang
malamang may kinalaman sa nakawan. Ayaw kong paniwalaan sila dahil kahit
sa sandaling panahon pa lang kami nagkakakilala ni Rommel ay alam ko na
di niya magagawa iyon. Natigil lamang ang usapan namin nina Manang at
Manong ng may mag-door bell. Si Rommel pala ang nasa gate. Pagpasok ni
Rommel sa bahay ay nag-usisa na rin siya kung bakit umiiyak si Manang.
Pero sa halip na sagutin ni Manang iyon ay isang bintang kaagad ang
isinumbat niya kay Rommel. Laking pagtataka ang nailahad ng mukha ni
Rommel.
“Hindi ko po magagawa iyan” ang pagtatanggol ni Rommel sa sarili.
“Rommel
wala kasi ako kagabi dito at ikaw lang malayang nakakapasok dito sa
bahay. Kaya . . . “di ko pa natatapos ang aking sinasabi at biglang
sumumbat si Rommel. “Pati ba naman ikaw pinagbibintangan mo na ako.
Ganoon ba ang tingin nyo sa akin?”
“Di naman sa ganoon Rommel, kaya lang ngayon pa lang nangyari ito sa bahay” ang paliwanag ko naman sa kanya.
Di
na nakipagtalo si Rommel sa amin at pabalagbag niyang nilisan ang aming
bahay. Tumawag naman ako ng pulis upang maimbestigahan ang pangyayari.
Habang naghihintay kami sa mga pulis ay dinig na dinig ko na
pinagagalitan niya ang kanyang mga trabahador at pilit pinaaamin kung
may nakita silang pumasok sa aming aming bahay kagabi. Magkahalong kaba
at awa ang aking nararamdaman ng mga sandaling iyon. Mukhang nagkamali
kami sa pagbintang kay Rommel. Sa tono kasi ng mga salita ni Rommel sa
kanyang tauhan ay parang gusto na niyang patayin kung sino man ang
gumawa noon.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na
ang mga pulis. Sa kanilang pag-iimbestiga ay napag-alaman namin sa sa
pintuan na balconahe ng silid nina Mama at Papa dumaan ang magnanakaw.
Kinahuan din nila ng finger prints ang tokador at ang ilang kasangkapan
sa silid na maaaring nahawakan ng magnanakaw. Matapos ang ilang oras na
imbestigasyon ng pulis ay umalis na din sila. Gulong gulo ang aking
isipan sa mga oras na iyon. Nais ko sanang kausapin muli si Rommel
subalit ng puntahan ko siya sa ginagawang bahay ay umalis lang daw siya
sandali. Nang tawagan ko siya sa cellphone ay di naman niya ito
sinasagot. Lalo akong di napalagay hanggang kinagabihan.
Talagang
inabangan ko ang pagdating ni Rommel at naghintay ako sa aming hardin.
Hating gabi na ng dumating si Rommel. Agad kong tinawag ang kanyang
pangalan pero binalewala lamang niya iyon at tinungo ang ginagawang
bahay. Subalit hinabol ko siya at pilit kinausap. Alam ko na mukhang
naparami ang nainom na alak ni Rommel pero gusto ko pa ring magpaliwanag
sa kanya.
“Pwede ba, wag mo na akong kakausapin. Tapos na sa atin ang lahat” ang panunumbat sa akin ni Rommel.
“Please Rommel, mag-usap naman tayo” ang makaawa ko sa kanya.
Sa
mga oras na iyon at alam ko na mas malakas ako kay Rommel dala ng
kanyang kalasingan kaya pilit ko siyang inilayo sa harap ng ginagawang
bahay upang walang makarinig kung ano man ang pag-usapan namin.
“Rommel naman. Dito tayo mag-usap ng hind mabulabog ang mga natutulog diyan” ang hiniling ko kay Rommel.
Di
naman nagpumiglas si Rommel at nailayo ko siya doon. Naupo kami sa
sidewalk at doon nagsimulang maglabas ng sama ng loob si Rommel.
“Akala ko nakakita na ako ng isang kaibigan na magmamahal sa akin kahit sino pa man ako” ang hinaing ni Rommel.
“Huwag ka naman ganyan, Rommel” ang sabi ko naman.
“Pagpasensyahan mo na lang kami sa bahay kung ganoon agad ang tinakbo ng isip namin” ang dugtong ko pa.
“Sex
lang naman yata ang habol mo sa akin. Heto na, heto lang ba ang gusto
mo sa akin?” ang muling panunumbat ni Rommel sabay bukas sa zipper ng
kanyang pantalon at pilit inilalabas ang kanyang alaga.
“Hindi
Rommel, mahal na mahal kita. Marami na rin akong naging girl friends.
Pero ikaw pa lang ang nagpakita ng ibang klaseng pagmamahal sa akin” ang
paliwanag ko kay Rommel.
“Bakit mo ba ako minahal, Rommel?” ang dugtong na tanong ko kay Rommel.
Lalong
tumulo ang mga luha sa mga mata ni Rommel sa aking tanong. Huminga siya
ng malalim at nagsimulang magsalaysay muli ng kanyang nakaraan.
Kilalang
chick-boy si Rommel noon sa kolehiyong kanyang pinapasukan. Bukod sa
gwapo na ay matalino pa dahil scholar siya doon. Varsity player din siya
ng basketball. Kaya naman isang campus figure talaga siya. Subalit ng
nasa 5th year na siya ay tinamaan talaga siya ni cupido at na-in-love sa
isang schoolmate niya. Di rin nagtagal ang panliligaw niya dito at
sinagot din siya. Anak pala ito ng isang mayamang politiko sa kanilang
probinsya. Naging mapusok ang dalawa na humantong sa pagdadalang-tao ng
girl friend niya. Nang malaman ito ng mga mgaulang ng babae ay
ipinaglayo sila. Maimpluwensya ang ama ng babae at napaalis ng
eskwelahan si Rommel. Graduating na siya noon kaya pinilit niyang
lumipat ng school at tapusing ang kanyang kurso. Di kaya ng kanyang mga
magulang ng tustusan ang lahat ng kanyang pangangailangan kaya naghanap
siya ng mapagkakakitaan.
Nakakilala siya noon ng isang
mayamang bading na nag-alok sa kanya na magpapaaral sa kanya. Kumapit
siya sa patalim upang makatapos na siya. Tutal isang semester na lamang.
Nagpasasa sa katawan ni Rommel ang bading na iyon. Walang araw yata na
hindi siya ginamit ng bading na iyon. Diring diri si Rommel sa ginagawa
sa kanya ng bading na iyon. Okey na sana kay Rommel iyon subalit
makalipas ang dalawang buwan ng pagsasama niya ay nag-iimbita na ang
bading na iyon ng iba pang kaibigan nito sa bahay na tinutuluyan nila.
Ang masama pa ay pilit na pinapagamit si Rommel sa mga kaibigan nito.
Nakisama lang si Rommel sa nais ng bading na iyon dahil alam naman niya
na kaunting pagtitiis lang at makakapagtapos na siya.
Nang
makapagtapos na si Rommel ay agad niyang hiniwalayan ang kinakasamang
bading. Sumugod agad siya sa Maynila upang magtrabaho at upang
makalimutan ang pinagdaanan niya. Maabilidan naman si Rommel kaya agad
itong natanggap sa trabaho. Naging matipid si Rommel kaya naman
nakatulong na siya sa pagpapaaral ng mga kapatid. Simula ng magtrabaho
si Rommel sa Maynila at tila ayaw na niyang umuwi sa kanilang probinsya.
Tila ayaw na niyang balikan ang kanyang nakaraan. Subalit dahil mahal
na mahal niya yung babaeng nabuntis niya at di rin siya nakatiis at
ipinagtanong ang kalagayan nito at ng bata. Lalong sumama ang loob ni
Rommel ng malaman na nasa US na pala ang babae at nagpakasal na rin sa
ibang lalake. At ang pinakamasaklap pa ay ipinalaglag daw ng babae yung
kanilang anak.
Ipinagtapat din niya sa akin na ang bunso
nilang kapatid ay hindi namatay kundi nagpakamatay ito. Buhat kasi ng
malaman nila na isa din itong bading ay naging malupit siya dito pati na
rin ang kanyang ama. Sa tuwing uuwi ng bahay si Rommel ay lagi niya
itong nabubugbog. Ganoon din naman ang ginagawa ng kanyang tatay. Pilit
nilang pinapagbago ang kanyang busong kapatid. Minsan nga ay muntik na
niya itong mapatay ng silipan siya nito habang naliligo. Tanging sawali
lamang kasi ang tabing ng kanilang palikuran at sa tuwing maliligo si
Rommel ay hubo’t hubad siya. Madikit ka lang sa tabing nito ay tiyak na
masisilipan mo ang naliligo dito. Pero ang higit na marahas na ginawa ni
Rommel ay ang hindi nito pagpayag na mag-aral sa kolehyo ang kanyang
bunsong kapatid habang hindi ito nagbabago.
Simula noon ay
naging depress ang kanyang bunsong kapatid. Kahit isinusubsob ang
sarili sa gawaing bahay ay bakas na bakas pa rin ang lungkot sa kanyang
mukha at pangangatawan. Hanggang sa isang araw na madatnan na lamang ng
kanyang magulang ang kanyang bunsong kapatid na isa ng malamig na
bangkay hawak sa kaliwang kamay ang isang liham at sa kanan naman ay
isang basyong bote ng insecticide. Ikinagulat ng buong mag-anak ang
ginawa ng pinakabatang miyembro ng pamilya.
Halos di mapigilan ni Rommel ang pag-tulo ng kanyang luha sa paglalahad niya ng kanyang nakaraan.
“Alam
mo kung bakit kita minahal, ayaw kong matulad ka sa bunso kong kapatid”
ang naging sagot sa akin ni Rommel sa aking katanungan kung bakit niya
ako minamahal.
“Nakita ko sa iyo ang aking bunsong kapatid
noong una pa man kitang makita. Alam ko na tulad mo rin siya na
naghahanap ng magmamahal sa kanya kahit ano pa man siya” ang dugtong pa
ni Rommel.
Wala akong naisagot kay Rommel sa halip ay
tumulo na rin ang mga luha sa aking mga mata. Nang magpaalam siya sa
akin ay di ko na rin siya napigilan. Tumayo siya at humakbang papalayo
sa akin habang pinagmamasdan ng luhaan kong mga mata ang kanyang paglayo
sa aking kinauupuan.
Ilang araw din kaming di nagkita at
nag-usap ni Rommel. Nakapag-usap lamang kaming muli ng bumalik sa amin
ang mga pulis at hulihin ang isang trabahador ni Rommel. Umamin din
naman ang trabahaor na ito na siya ang nagnakaw ng mga alahas. May
criminal record na rin pala ito sa pulisya kaya madali nilang nalaman
kung sino ang may kagagawan. Lingid sa kaalaman ko na si Rommel mismo
ang nakipagtulungan sa pulisya upang mapabilis ang paglutas ng kaso.
Humingi
ako ng tawad kay Rommel at agad naman niya itong tinanggap. Pati si
Manang ay humingi din ng tawad sa kanya. Naghanda pa si Manang noon ng
masasarap na pagkain ng muling bumalik sa aming bahay si Rommel. Tila
isang fiesta ang handaan at imbitado pa ang lahat ng trabahador ni
Rommel. Naging masaya kaming muli ni Rommel subalit ng makalipas ng
limang buwan at natapos na ang bahay na ginagawa ni Rommel ay nagpaalam
na siya na di na muna siya doon matutulog gabi-gabi pero pipilitin pa
rin niyang madalaw ako kahit tuwing weekends. Medyo malayo kasi sa aming
subdivision ang bagong project ni Rommel.
Lubos na sana
ang kaligayan namin ni Rommel subalit isang araw ay nabigla kami sa
pagdating ng aking mga magulang mula US. Nabalitaan daw nila sa isang
kamag-anak namin na minsang bumisita sa bahay na meron daw akong
lalaking pinatitira doon. Buti na lamang at wala sa bahay si Rommel.
Subalit naging mabigat ang mga ibedensya ng makita nila ang ilang damit
ni Rommel sa mismong kabinet ko. Wala akong magawa kundi ang aminin ko
sa kanila ang tungkol sa amin ni Rommel. Isang suntok sa mukha ang
ibinigay sa akin ni Papa at napahagulgol naman sa iyak si Mama. Napansin
ko rin na pati si Manang ay napaiyak. Nang umasta muli si Papa upang
suntukin ako ay bigla akong niyakap ni Manang.
“Sir, Mam, tama na po, pakiusap po, tama na po” ang pakiusap ni Manang habang mabhigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin.
“Matagal
ko na pong napansin ang ibang pagtitinginan ng dalawa. Ako nga po sana
ang magsasabi sa inyo ng tungkol sa kanila. Subalit nakita ko po na
maligaya ang inyong anak sa piling ng lalaking iyon. At napatunayan ko
rin na malinis din ang hangarin ng lalaking iyon sa inyong anak. Kaya
po, Mam, Sir, pagalitan nyo rin po ako” ang paliwanag ni Manang.
Nanahimik
ang lahat sa mga salitang binitawan ni Manang. Ako naman ay pumasok sa
aking silid upang makaiwas sa kung ano pang diskusyon. Di ako lumabas ng
aking silid hanggang sa katukin ang pinto ni Manang.
“Umalis muna ang mga magulang mo. Sa hotel daw muna sila matutulog ngayong gabi” ipinaalam sa akin ni Manang.
“Halika na iho, kain ka na” ang paanyaya ni Manang sa akin.
“Wala akong ganang kumain Manang” ang tugon ko naman sa kanya.
“Basta pagnagutom ka tawagin mo lang ako ha at iinitin ko ang pagkain mo” ang nasabi ni Manang bago niya ako iniwan.
Walang
kaalam-alam si Rommel sa nangyari subalit pinilit pa rin niyang makauwi
sa bahay upang makilala niya ang aking mga magulang. Halos hating gabi
na ng dumating siya. Habang kumakain kami ay naikwento ko ang mga
pangyayari kay Rommel. Si Manang naman na gising pa rin sa mga oras na
iyon ay nakisalo sa aming usapan. Laking gulat ni Rommel ng malaman
niyang alam na pala ni Manang ang tungkol sa amin simula ng lumipat si
Rommel sa bahay namin. Bago kami natulog ay nagdesisyon si Rommel na
bukas na bukas din ay pupuntahan naming ang aking mga magulang.
Matapos
ang aming umagahan ay nagtungo kami sa hotel na tinutuluyan nina Mama
at Papa. Parang pinaghahandaan na pala nila ang aming pagdating. Pero
wala pa rin kaming imikan ng makapasok kami sa silid nina Mama at Papa.
Tila walang gustong magsalita sa aming apat.
Subalit
naglakas loob si Rommel na magsalita na “Mawalang galang na po, ako po
si Rommel, yung kaibigan na anak nyo. Alam ko po na magtataka kayo kung
bakit po pumasok ang anak ninyo sa ganoong relasyon. Napagdaanan ko rin
po ang nararamdaman ninyo ngayon ng malaman ko ang tungkol sa aking
bunsong kapatid. Lahat naman po ay may karapatang mahalin ang taong nais
niyang makapiling sa kanyang buhay. Karapatang hanapin ang kanyang
tunay na ligaya. Laking pasasalamat ko po na sa akin po natagpuan ng
anak ninyo ang ligayang iyon. At ganoon din naman po ako, siya ang
nagbibigay sa aking ng isang tunay na ligaya at pagmamahal na di ko
nadarama sa buhay ko. Subalit kung masisira ko ang inyong pamilya ay ako
na po ang magpaparaya.”
Halos mapaluha kaming apat sa
loob ng silid. Wala pa ring reaction sina Mama at Papa ng ilang minuto.
Kaya naman nagpaalam na si Rommel sa aming tatlo.
“Iho, Rommel nga ba ang pangalan mo” ang tanong ni Papa kay Rommel at tumango naman ito.
“Huwag
ka munang umalis. Sana naiintindihan mo kami. Hangad lang namim ang
magandang buhay para sa anak namin. Sa totoo lang hindi kami nakatulog
kagabi sa pag-iisip. Pero ngayong umaga ay napag-isip-isip namin na ang
anak lamang namin ang siyang makakapagsabi kung ano ang gusto niyang
gawin sa buhay at kung saan siya magiging masaya. Subalit naririto pa
rin kami upang suportahan siya sa lahat ng kanyang magiging desisyon”
ang salaysay ng aking Papa.
“Iho, huwag mo sanang sasaktan ang aming anak” ang dugtong naman ng aking Mama.
Sa aming narinig ni Rommel ay labis kaming natuwa.
“Mama, Papa, maraming salamat sa inyong pag-uunawa” ang bigla ko naman nasabi sa kanila. Sabay yakap ko sa kanilang dalawa.
“Oh, iho, makiyakap ka na rin dito” ang paanyaya ni Papa kay Rommel.
Lumuwag
ang aming kalooban sa mga oras na iyon. Sumama na din sa amin sa bahay
sina Mama at Papa. Kinagabihan ng araw na iyon ay nagpahanda agad si
Mama ng kaunting mapagsasaluhan namin. Lingid sa aking kaalaman ay
kinutsaba nina Mama si Rommel upang sunduin ang kanyang mga magulang sa
probinsya. Ilang oras lang naman ang byahe mula Maynila kaya bago pa man
kami maghapunan ay dumating na rin sila.
Nagulat ako sa
pagdating ng mga magulang ni Rommel. Noon din inamin ni Rommel na alam
na ng mga magulang niya ang tungkol sa aming dalawa. Nagtapat kasi siya
noon pa mang nagsimula na siyang hindi umuwi ng weekends sa kanila.
Naintindihan naman nila ang kanilang anak at wala naman silang pagtutol
sa aming relasyon ni Rommel. Nagkakilanlan ang aming magulang at naging
masaya ang pagsasalusalo namin ng gabing iyon. Tila ba ikinasal kami ni
Rommel sa harap ng aming mga magulang. Kinabukasan ay nagpaalam na rin
ang mga magulang ni Rommel dahil di nila maiwanan ang koning kabuhayang
naiwan sa probinsya. Si Mama at Papa naman ay nagyayang magpunta kami sa
Boracay bago sila lumipad pabalik ng US.
Isang lingo ang
nakalipas ng bumalik sa US sina Mama at Papa. Kami naman ni Rommel ay
nagpatuloy sa aming masayang relasyon. Syempre hindi naman puro tawanan
at kasiyahan ang aming pagsasama. Nagkaroon pa rin kami ng hindi
pagkakaintindihan at pag-aawayan. Subalit ano mang gusot na dumating sa
aming samahan ay amin itong pinag-uusapan at nagpapatawaran. Sa ngayon
ganap na akong doctor at inaayos lamang namin ang ma papeles ni Rommel
at pupunta na rin kami sa US upang harapin ang panibagong bukas sa aming
buhay.
- WAKAS -
If you have questions, suggestions or would like to send or receive pictures, videos, stories etc.., you can email us through demonicevil2013@gmail.com
If you have questions, suggestions or would like to send or receive pictures, videos, stories etc.., you can email us through demonicevil2013@gmail.com
Kung sakaling totoo man ito. Napakaswerte mo. Bihira lang ngayon ang ganutong relasyon na nagtatagal at may approval ng magulang.
ReplyDeleteSo sweet
ReplyDeletesana ganyan dn wakas ang relasyon ko ngaun
ReplyDeleteEnter your complaint ahaha bakit ganon ang unang pagkakabasa ko sa enter your comment
ReplyDeleteNakakainggit -_-
ReplyDeleteSana makatagpo din ako ng katulad ni rommel.. ang saya non diba..
ReplyDeleteomg ! relate aq sa story..
ReplyDeleteAng saya naman...
ReplyDeletePwee ilusyonada Mga bakla
ReplyDelete